Litanya ng Isang Media Practitioner June 28, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment
6:30 ng umaga. Isang text message ang gumising sa akin ngayong araw ng Linggo.
“Jayson, tulungan mo kami, may umaaligid sa bahay namin kagabi. Nagising ang asawa ko, kasi nakita niya sa bintana may *some text missing*”.
Hinintay ko ng ilang minuto iyong karugtong ng *some text missing* na hindi nagkasya sa space ng incoming message na natanggap ko. Nahirapan akong mabasa iyong text, kasi antok na antok pa ako at hindi ko talaga halos maidilat ang mga umaalmang talukap ng mga mata ko. Gusto ko pang matulog. Ano ba kasi iyong nakita niya sa bintana?
Si Ate Weng iyong nagpadala sa akin ng text. Isa siyang case study sa istoryang ginagawa ko. Nagreklamo si Weng dahil iyong kumadrona na nagpaanak sa kanya, hindi pala lisensyado. Japeyks midwife, in short. So ang nangyari, nagupit ng kumadrona yung ari niya hanggang sa bahagi ng puwitan ng babae. Masakit para sa kanya ang nangyari, kaya ganoon na lamang ang lakas ng loob niyang magsumbong. Pero ngayon, parang nag-iba ang ihip ng hangin. Natatakot na siya, matapos ma-entrap ng NBI ang kumadrona at ikulong noong nakaraang Linggo. Gusto na rin daw niyang huwag na ipakita sa TV iyong interview niya. Hay Diyos ko, Lord! Ang sakit sa bangs.
Ang Production Dilemma
Dalawang taon na ako sa programa, at dapat sanay na ako sa mga ganitong klase ng mga ‘complainant’. Stressful ang maging Imbestigador, sa totoo lang. Kung papaanong ang isang 7 minutong istorya na napapanood sa TV tuwing Sabado, katumbas naman nito ay mahigit 7 araw na sakit ng ulo, katawan at madalas — pati kalooban.
Sa tuwing may nagrereklamo sa amin o nagsusumbong, una kong tinatanong: “Handa po ba kayong magreklamo hindi lang po sa awtoridad, kasi kailangan ninyo pong magpa-interview sa amin? Kung makulong po iyong inirereklamo ninyo, handa po ba kayong ituloy ang kaso, hindi po ba kayo natatakot?”
Ang sagot madalas ng mga complainant, “Oo!”. With full conviction.
Simple lang daw ang explanation kung bakit sa amin lumalapit ang mga tulad ni Weng at ng marami pang complainant. Kung bakit madalas, tuwing may anomalya sa isang lugar, mas unang tinatawag ang istasyon ng radyo o TV, para magreport. Kung bakit tuwing may pulis na nangongotong, mas pinipili sina Mike Enriquez, Tulfo Brothers at Julius Babao kaysa sa hepeng nakaupo sa trono ng Crame para magsumbong. Kung bakit naniniwala sila sa mga tagline na “Serbisyong Totoo” at “Panig sa Katotohanan, Panig sa Bayan” kaysa sa “We serve and protect”. Simple lang.
Una, at ang mas showbiz na sagot – gusto nilang makita sa TV. Ikalawa, ang mas political na sagot – wala silang tiwala sa nanunungkulan. At ikatlo, ang may sense sa lahat – dahil mas mabilis daw umaksyon ang media.
Para kaming mga participant sa isang pabilisan contest kada linggo. Unahan sa paghahanap ng istorya. Unahan sa pag-shoot. Beat the clock ang drama sa araw ng editing. At parang buntis na umiire sa araw ng airing ng programa. Pagod, puyat, pagkawalay sa pamilya, at madalas – zero love life. Tigang ang mga taong nakakasalubong sa maliit na opisina.
Pero kami sa Imbestigador, doble ang dilemma. Second priority na lang ang paghabol sa production deadline. Una naming inaatupag kung kailan mahuhuli ang mga nagtatago sa batas, kung kailan maipapasara ang mga nakabukas na oportunidad sa panloloko, at kung kailan maipapahinto ang mga tumatakas sa batas. Madali lang sana, pero bukod sa nabanggit ko nang pagod sa katawan at isipan, mas may malaki kaming binabangga sa linggo-linggo naming trabaho – ang bureaucracy sa gobyerno.
Iyong pitong minutong segment, kung tutuusin, mani-mani lang. Iyong dalawang oras na pagsulat sa script, yakang-yaka. Magdamagang editing, nakakasanayan din. Pero iyong ilang oras kayong naka-standby sa NBI, sa police station, sa munisipyo o city hall, para maghintay na umaksyon ang mga tao, nakakakunot ng ulo. Iyong maghihintay ka sa hudyat para hulihin na iyong taong manloloko, na kadalasan magsisimula sa umaga at aabutin ng gabi ang pag-aresto, hindi kaya ng isang sakong oatmeal na bawasan ang “risk of heart disease”. Tapos iyong ilang oras na preparation para ma-inquest iyong mga suspect sa kaso, my God! Why have you forsaken me?
Kung may naituro man ang org ko sa UP noong college, sinisigaw ko pa rin iyon hanggang ngayon sa utak ko. “I will not quit! I will not quit! I will not quit!” Buti na lang, kaysa pangunahan ng pagkabuwisit.
Ang Case Study
Ang mga tipo ng taong madalas ko kasama linggo-linggo, iyong mga hindi alam kung ano ang gagawin sa kani-kanilang mga problema. Nariyan ang umiiyak na nanay dahil ang anak niya ayaw ibigay sa kanya ng biyenan, ang impormanteng diskumpiyado sa nabiling tinapay dahil marumi ang pagawaan, at ang whistleblower na aligagang nagsusumbong dahil may alam siyang pagawaan ng shabu sa lugar nila. Lahat sila, humihingi ng tulong dahil ang alam nila, alam ko ang gagawin.
Pero hindi ko naman talaga alam lahat. At hindi rin naman ako patsamba-tsamba lang. Nagkataon lang na alam ko ang dapat gawin. At nagkataon din lang na may nakasabit sa leeg ko na may nagsusumigaw na logo ng kompanya at nakasulat sa itaas – MEDIA. Parang iyon na ang solusyon sa kanilang problema.
Kapag may shoot ako kasama ang ilang case study, pinapapili ko sila kung saan nila gustong kumain. Kapag sinabing sa karinderya malapit sa location namin, go ako diyan. Kapag sinabing sa Jollibee o McDo, why not. Mag-upgrade pa kayo ng fries and drinks. Kapag sinabing sa Yellow Cab o Red Crab, hmmm, wait check ko wallet ko. Go! Tara let’s eat. Ang napapansin ko, kapag galit galit na sa mesa, nakakalimutan na ang pagod sa paglutas ng problemang hinahanapan namin ng solusyon mula pa noong umaga.
Share ko lang. Noong pumasok ako sa TV network na pinagtatrabahuhan ko ngayon, ang sabi ko sa sarili ko, gusto kong maging makabuluhan ang gagawin ko. Gusto kong ibalik sa mga tao ang apat na taong pagpapaaral nila sa akin sa kolehiyo. Mataas ang idealismong dala-dala ko sa aking noo, binagtas ko ang daang alam kong walang benepisyo, hindi gaano mataas ang sweldo, at kahit puyatan sa trabaho, walang night differential para sa mga empleyado. Or “Talent”, the more politically correct term para sa isang tulad ko.
Matagal ko nang narealize na isang sakripisyo ang trabahong ito. Ilang linggong hindi nakikita ang pamilya, ilang oras na nawawala kasama ang barkada, ilang minutong pinagkakasya sa text para kamustahin ang mga kaibigan at kamag-anak. Ilang death threats, ilang subpoena, ilang pagmumura sa telepono ng mga hindi ko kilalang callers. Ilang taon ko pa kaya dapat pagbayaran ang apat na taon sa kolehiyo?
Ang Intro at Extro ng Bawat Istorya
Pinahahalagahan ko ang trabahong ito, marahil dahil gusto ko. Hindi ko alam. Pero natutulog akong iniisip kung paano ko matutulungan ang mga complainant. Nananaginip akong nakikita ko silang satisfied at masaya. At nagigising akong pagod ang isip at katawan, pero pupunta sa opisina, para magtrabaho.
Natutunan kong may silbi ako sa lipunan. Nalaman kong isa akong komoditi na binabayaran din ng kumpanya. Napagtanto kong e ano ngayon? Kailangan ko magbayad ng renta at pagkain araw-araw? Hello.
Nasaan ang idealismo? Naku naloko na. Sa tingin ko, nandito pa rin. Hangga’t hindi ako tumatanggap ng bayad kapalit ng istorya, hangga’t kaya kong makipag-debate sa mga opisyal na bobo, hangga’t alam ko kung saan ang hangganan ng aming karapatan, ang idealismo na matagal kong pinaniwalaan, nasa akin pa rin.
Nasaan na ba iyong kaputol na text ni Ate Weng?
“Jayson, tulungan mo kami, may umaaligid sa bahay namin kagabi. Nagising ang asawa ko, kasi nakita niya sa bintana may… itim na pusa. Malas daw iyon e. Tulungan mo naman kami.”
Anak ng monay naman oh. Ako ba si God?
Donya Dionisia, not Dionesia May 24, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment
Excerpts from the Philippine Daily Inquirer, May 23, 2009

Mommy Dionisia told the Inquirer she was leaving for Manila Friday to appear on Lucy Torres Gomez’s Sunday evening show, “Shall We Dance,” on ABC-5.
“Tinawagan ako ni Lucy Torres at inimbitahan para mag-guest sa kanyang show sa ABC-5. Kailangan kong umalis ng Biyernes kasi dapat dalawang araw daw ang rehearsal [Lucy Torres called me and invited me to be her guest on ABC 5. I have to leave Friday because there is a two-day rehearsal],” she said.
Sometime in June, Mommy Dionisia, just like her son, will have her own television commercial.
She will appear in a TV advertisement endorsing a certain brand of food supplement.
“Hindi ko muna sasabihin kung anong vitamin yon. Abangan na lang ninyo [I will not tell you first what vitamin that will be. Just watch it],” she said.
Due to nasty reports by a television show and published by a newspaper, Mommy Dionisia has lost interest in joining the rough-and-tumble world of show business.
“Dahil sa intriga nila sa akin, nawalan ako ng gana sa show biz. Kung ganun man lang ayoko ko na. Okey na ako sa buhay ko ngayon. Gagawan ka ng kuwentong hindi totoo. Kahit respeto man lang sana sa edad ko [Because of the intrihues against me, I lost interest in show business. If that’s the way it will be, I’d rather not be a part of it. I okay with my life now. They’re going to make up stories about you. There’s not even a little respect for my age],” the teary-eyed mom said.
Should a planned biographical movie about her pushes through, her “preferred leading man” would be Jericho Rosales, that is, the actor who would play the love of her life when she was younger. She didn’t say whom she would want to play her younger self.
UNPOPULAR OPINION #06: Vicky Belo (has her hands?) in Hayden’s sex video fiasco May 20, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment

Naisip ko lang. Hindi kaya si Vicky Belo ang nagpakalat ng mga sex video ni Hayden Kho?
Mukhang siya ang makikinabang sa hullaballoo na ito. Alam na niya ngayon na sa kanya lang tatakbo si Hayden, dahil kahit sobrang promiscuous na nung babae, parati nang maytakot na (baka) may hidden cam sa paligid.
Mahirap na makapag-download ng mga tinutukoy na video ngayon sa iba’t-ibang websites.Natawa naman ako sa isang filename ng sex video raw ni Katrina at Hayden, para hindi madetect at hindi mablock, ini-rename iyong file na “Boy Over Flowers.3gp“.
By the way, today is May 20. According to this site, birthday ni Hayden ngayon. Not-so-happy kaarawan Hades!*
Kailangan magpasalamat ni Senator Manny Villar sa Hayden Kho sex video fiasco, dahil natabuhan ang issue na kinasasangkutan niya sa Senate Ethics Committee.

Ito namang si Bong Revilla, eepal na lang parang hindi pa nag-iisip.

Idedemanda raw lahat ng ISP na sangkot sa pagkalat ng sex video ni Katrina Halili. Okay ka lang, Kap? Ano bang pakialam ng mga ISP sa kung anong data ang dumadaloy sa linya nila? Gusto pang ipacensor ang internet. Hay naman.
Pati ang Malacanan, nakisawsaw na rin.
Ramdam na ramdam na ang election fever.
Pero bakit parang walang nagtatanong ngayon nito:
Si Hayden Kho at Vicky Belo ang magkarelasyon noong mga time na iyon. Bakit may ibang babae sa kama?
What they did in bed is an ordinary (i.e. normal) human activity. Marami nga diyan kung saan-saan pa ginagawa e. Marami rin diyan, nagvivideo pa.
Pero bakit sila nasa kama kasama si Hayden?
Biktima nga kaya si Vicky Belo, o isa siya sa mga mastermind?
Meron pa raw ibang sex video si Hayden kasama ang ibang babae, bukod kina Katrina, Maricar Reyes at Mariana del Rio (Brazilian model).
Kasama kaya si…

* Greek god of the abandoned
Superhero Book May 19, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.2 comments
Rebyu ng Kapitan Sino
ni Bob Ong
Publisher: VisPrint Inc.
2009
Pasakalye: Ilang ulit ko nang nakita sa mga libro ni Bob Ong ang mga tulad ng ganitong pag-aalay: “Para kay (pangalan, nickname o pet name kung kanino ito dinedicate”. Sa isang mambabasang tulad ko na nagbayad ng PhP 175.00 (tax included) para sa isang 166 page na libro, parang may exclusivity ang ganitong mga klase ng “dedication”. Parang kung hindi ako si A. Gran (dedication ng Kapitan Sino ni Bob Ong), hindi pala para sa akin ang librong ito.

On a positive note, maganda ang pagkakatahi, pagkakatagni-tagni ng mga eksena sa Kapitan Sino kung ikukumpara sa naunang (seryosong) nobela ni Ong na Mac Arthur. Ang Kapitan Sino ang ikalawang nobela ng nakilalang awtor ng mga satire na karaniwang sumasalamin sa buhay ng (masang) Pilipino.
As usual, nakakaintriga ang dating ng bagong akda ni Ong dahil sa dalawang bagay. Una na ang nagsusumigaw na kulay silver ng cover nito. Ikalawa ang pamagat nitong Kapitan Sino, na nagbigay na ng ideya sa Bob Ong fans sa content o plot ng kanyang nobela.
Si Kapitan Sino ay si Rogelio Manglicmot, isang ordinaryong mamamayan ng Pelaez, na kinilala sa kanyang kabayanihan at ka-ordinaryuhan sa lugar. Nang una kong makilala si Rogelio, naalala ko sa kanya ang karakter na ginampanan ni Vic Sotto sa tv series na Okay ka, Fairy Ko – si Enteng Kabisote. Payat, ordinaryo, at nagbubuntinting ng mga sirang appliance. At tulad ni Enteng, may sidekick din siya (at bespren) na si Bok-bok.
To sum it all, si Kapitan Sino ay lalaking version (both sa narrative at sa character) ni Zsa Zsa Zaturnah (ni Carlo Vergara).
Nagtangka rin si Bob Ong na mainternalize si Kapitan Sino bilang isang katangian ng mga Pilipinong “bayani” – mabuting mamamayan, matulungin, mabait vis-a-vis may sariling kahinaan at problemang kinakaharap. Sa tingin ko, may kinahantungan namang mabuti ang pagtatangka. Sabi ko nga, para itong libro ng Values Education noong high school.
Ang ikinaiba ng Kapitan Sino, hindi ito happy ending. Katulad ng Mac Arthur ni Bob Ong, may laman itong hamon sa mga mambabasa na hindi nalalayo sa isang “values education” na kurso (o subject) sa eskwela. Naglalaman din ito ng mga parody ng lipunan, at ng mga Pilipino, in general.
Sa characterization, walang bago sa mga karakter ng Kapitan Sino (kung ihahambing sa iba pang akda ni Bob Ong). Nariyan ang pulitiko, ang mga butangerang magkakapit-bahay, mga dugyuting bata, at iba pa. Mavivisualize din ang environment na gustong iportray ni Ong tungkol sa lipunang gusto niyang ipahiwatig sa mga mambabasa: Madumi, masikip at mahirap
Hitik naman ang nobela sa mga quotable quotes ni Bob Ong tulad ng:
Magmaskara ka man o hindi, huhusgaan ka ng tao. Hindi ka pasasalamatan ng trabaho mo, uulitin niya lang ang sarili niya.
Hindi ka bayani dahil sa kaya mong gawin. Bayani ka dahil sa mga ginawa mo.
Hindi kulang ang kapangyarihan ng tao Tayo ang kalabisan. IIusyon. Ipinangdadahilan para sa mga pansariling kakulangan.
Overall, para sa akin, mukhang nawawala na ang talim ng mga salita ni Bob Ong. Preachy ang buong libro. Dragging ang mga pahina. Nakakahinayang dahil tila nawawala na ang dating happy reading na kayang ibigay ni Bob Ong sa mga mambabasa niya.
Medyo nakakaumay na rin ang preachy mode ni Bob Ong. Iyong pagtingin niya sa lipunan, iyong pagtingin niya sa ilang “bobong pinoy”. Okay lang namang magpaalala, pero minsan kapag paulit-ulit, nakakarindi na. Siya na mismo ang nagsabi:
Hindi ikaw ang unang nagtangka…hindi ikaw ang magiging huli. Hindi ikaw ang solusyon.
UNPOPULAR OPINION #05: Some MMDA projects are futile May 18, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment

Ano na namang ‘kaguwapuhan ito, Bayani?
E kung ang budget diyan ginamit na lang sa pag-effort na tanggalin ang ‘usli’ na iyan.
UNPOPULAR OPINION #04: T2 is Good May 17, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment

Oh yes, the concept is good. The direction is fine. But the storyline sucks. Big time.
Naconfuse nga lang sa dulo kung fantasy o horror ang ginawa nila.
UNPOPULAR OPINION #03: PETA is OUT-OF-ORDER May 17, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment

Para lang mapag-usapan. Kahit magmukha na silang tanga.
If ethical treatment of animals is the key, why not just follow the animal welfare acts of each country?
UNPOPULAR OPINION #02: RH Bill is Popular May 17, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment

May uterus (read: ‘buwa’ ni Manny Villar) ba kasi ang mga pari?
Kung wala, tapos na ang usapan. Pass RH Bill now!
UNPOPULAR OPINION #01: Katrina and Hayden Video Scandal May 17, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment

Walang “nangyari” kina Hayden at Katrina sa loob ng kwartong ito.
Ang napansin ko kasi, parang mas interesado pa si Hayden na makita ang sarili niyang sumasayaw, at deadma lang kay Katrina. Parang nayamot pa si Katrina sa end ng video at nagtext na lang.
happy kaarawan! May 15, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment

Mommy Dionisia, happy birthday! Sana ay maging masaya ang debut-themed party mo mamaya. Keep your feet…dancing on the floor!
rebyu: BFF ng star cinema May 14, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment
Dahil recession ngayon, dapat bawat pisong ginagasta, sulit. At ang sine sa Trinoma Cinema 1, PhP 170 na. Kaya naman nung naimbitahan ako manood ng BFF (Best Friends Forever) ng officemate ko ( nahindi ko maintindihan kung rumaraket bang PR ng Star Cinema o talagang spy ng ABS-CBN), nagdalawang isip din ako kung papatulan ko yung pelikula o hindi. In the end, isinuko ko na ang 170 pesos na idadagdag sa kaban ng mga Ayala.
*** SPOILER ALERT! ***
(photos grabbed from Star Cinema website starcinema.multiply.com)

Okay, so ang unang spoiler, si Gabby Concepcion may guest appearance sa end ng pelikula.
Pinagbibidahan nina Sharon Cuneta (Megastar) at Ai-ai delas Alas (Comedy Concert Queen) ang pelikulang BFF. Si Honey, ang ginagampanang karakter dito ni Ate Shawie, samantalang si Frances naman kay Ai-ai.
Worried si Honey dahil malakas ang kutob niyang may ibang babae si Tim (John Estrada). Kaya nag-enroll siya sa Gold’s Gym para magpapayat, magpaseksi at akitin muli ang asawa. Hindi niya akalain na ang gym instructor na magiging best friend forever niyang si Frances ang third party sa kanilang relasyon. In the end, nagkabukingan at namatay si Tim after masagasaan ng isang rumaragasang truck. Naging magkasundo ulit sina Honey at Frances. Saka nagpakita si Gabby Concepcion sa isang karnabal. The end.
So there. Sa mga gusting manood ng BFF, masasabi kong sulit naman ang ibabayad. Pero! Uulitin ko, pero, huwag magexpect ng malaki sa pelikula.
Dragging ang plot ng BFF sa unang bahagi nito. As a matter of fact, hindi nga kami natawa ng mga kasama ko, not after mga 30 minutes (approximate lang naman) ng pagpapalabas ng pelikula. Redeeming factor na lang ng BFF ang mga candid na hirit nina Chokoleit at Ai-ai delas Alas.
Tatlong eksena ang tumatak sa akin: 1.) ‘Yung Tita Munoz na hirit ni Chokoleit sa hospital room 2.) ‘Yung ‘Frances, huwag ka namang mag-drugs na hirit nung anak ni Frances 3.) ‘Yung “Iakyat mo na ‘yang si Junior” referring to Chokoleit ni Honey. Iyang mga iyan, nakakatawa para sa akin. O talagang mababaw lang ako.
Umikot ang comedy ng BFF sa nakagisnang slapstick formula. Si Sharon, pinaglaruan sa script ang kanyang pagiging mataba samantalang ang baba naman ng Ai-ai ang kanilang binalahura.

Mahilg si Wenn Deramas magsingit ng mga spoof ng mga classic na pelikulang Pilipino
As usual, kapansin-pansin na minadali ang paggawa at pagtapos ng pelikulang ito. At dapat din sisihin ang director nitong si Wenn Deramas sa pangit na execution ng mga shots na karaniwang gumamit ng mga crane, kahit sa mga simple at dramatic na batuhan ng mga linya ng ilang karakter sa pelikula.
Makikita naman ang husay ditto ni Sharon Cuneta pagdating sa drama, pero sa delivery ng mga dapat sana’y nakakatawang mga linya – bagsak. Si Ai-ai naman medyo na tone down na ang pagiging palengkera na pag-akting, mula nung huli niyang ginawa ang pelikulang “Ang Tanging Ina Ninyong Lahat”. Wala naman akong masabi sa acting ni John Estrada dito sa pelikula, kundi hindi effective at hindi rin nakakatuwa.

DJ Durano at ang perpetwal na appearance sa mga pelikula ni Wenn Deramas
At pwede ko bang sabihin na bakit nandito na naman si DJ Durano? Tuwing may pelikula si Wenn Deramas o teleserye, parati siyang kasama. May mga eksena pa siya sa pelikula na kung tutuusin pwede namang wala siya.
Overall, 2 out of 5 stars.
Dapat 70 pesos lang ang binayad ko sa sinehan e. Nalugi ako ng 100.
my roomies May 13, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment
My roommates who keep me sane.

Si Trans. Ang fridge ko na maasahan. Trans, kasi ilang transfer ng sasakyan mula sa pinagbilhan ko hanggang makarating sa kwarto. Sa itaas niya ang aking Money Tree. Para lang langaw at kalabaw ang symbiotic na relationship nila sa isa’t-isa.

Si Muggie. Ang mug na Iskolar. ‘Yung katabi niya, si Timer. (Obvious naman, di ba?)

Si Wall-y. Ang dingding na maraming mukha.

Si Bed. Ang man’s best friend na parating sumasalubong.

Si Ms. Librarian. Always there when I’m bored.
mouse entrance May 12, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment
Nakita ko na kung saan dumaan kagabi si “Mouse” at ang isa pa niyang kabarkadang daga na madramang nakipaghabulan sa akin kagabi.
Dito sa bintana malapit sa kama ko sila dumaan, dahil may butas na pala yung screen. Kanina ko lang napansin dahil parating nakababa yung blinds sa kwarto ko, dahil ang totoo niyan, bampira ako (At ‘yan ang taong may unpopular opinion na pangit ang Twilight series).
So dahil diyan, tinakpan ko na temporarily yung butas na screen ng bintana ko. Pero ang ginamit kong pantakip ay yung baby blue na memo pad. Kung mapapansin, maliit lang yung butas kaya maliit na memo pad din lang ang ginamit ko para hindi na ulit makapasok ang mga bubwit.
Hindi kita sa picture, pero may nakasulat na note ‘yan sa likod: “STRICTLY NO ENTRANCE“. Subukan lang nila.
unpopular opinions May 12, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.1 comment so far
Nabanggit ko na rin lang naman ang unpopular opinions ko kagaya ng walang utang na loob ang anak sa kanyang mga magulang. Ieenumerate ko na rin yung ibang paniniwala ko, na maaring makapagpataas ng kilay na iba diyan.
Disclaimer: Again, unpopular opinions ko ito. Walang pakialamanan.
- Pangit ang Twilight.
- Emo? Duh. Being an “emo”, “punk”, “rakista”, or anything else doesn’t make one a non-conformist. Because considering yourself as part of them is simply conforming in itself.
- Magaling si former President Ferdinand Marcos. Pero ayoko ang military rule at violence sa panunungkulan niya. Naniniwala lang ako na magaling talaga siya sa maraming aspeto.
- Suicide is fine. I am not in favor of euthanasia.
- I am in favor of divorce in the Philippines.
- Paulo Coelho sucks big time. And so does Dan Brown. Corny. Pero manonood ako ng Angels and Demons, dahil gusto kong makita visually ‘yung mga sinulat niya.
- Hindi guilty si Lance Corporal Daniel Smith.
- I hate Hale. I abhor Cueshe. Walang sense!
- I hate Six Cycle Mind. Pero kapag live performance, magaling sila. At sa totoo lang, may maganda silang mga kanta. Pero hate ko sila, as a band.
- Rivermaya is dying. Or is dead.
- Raimund Marasigan is a better artist than Ely Buendia. ERRATUM: Raimund Marasigan can easily outperform Ely Buendia on the stage. But still, Ely is a better artist in my honest opinion.
- Capitalism is the only choice. Sadly.
- There’s no bisexual per se. It is just a state of transition (or confused state ) that could lead to a decision in one’s sexual preference.
- i DO NOT BUY RELIGION. I have faith, but I don’t submit myself to those who claim as if they were the only people who could talk to God.
- Religion is outdated.
- Some people claim they are atheists, just to be considered an intellectual.
- Friendship is overrated. Hello?
- The poor should stop blaming the government for their miseries. They should do something productive.
- Public demonstrations and rallies are ‘healthy’.
- Koreanovelas are formulaic. Pinapairal lang ng ibang Pilipino ang kalibugan sa mga bagay na ‘foreign’.
- There are several great Filipino filmmakers. Only they lack the resources and support.
- I watch even the lamest Filipino films in the market, to show support.
- I buy pirated foreign DVDs.
- Abortion should be legalized in some conditions (i.e. the child endangers the life of the mother/ the child has little chances of survival as confirmed by medical diagnosis on the fetus /The mother was a victim of rape.
- Kapag magaling kang mag-English, hindi ibig sabihin matalino ka. Mentality ng ibang Filipino, bulok talaga e.
- Matalino si Manny Pacquiao.
- Lumipat talaga si Manny Pacquiao sa ABS-CBN. At sariling desisyon niya iyon na napurnada lang dahil ginising siya ng ibang mga taong nasa paligid niya (i,e. mga alipores)
- The more beautiful/ handsome you are, the easier and better life is. ‘Wag na magpakahipokrito. Look at what’s happening in the Philippines right now.
- Hindi lahat ng mataba, pangit.
- Pangit si Luis Manzano.
- Astig at masarap maging single sa phase ng buhay ko ngayon.
- Having a child is not for all married couples. And giving labor to a child, doesn’t make a woman a “mother”.
- Importante ang sex sa relationship. Mas importante sa pag-alala ng monthsary, anniversary.
- Exploit the system if it can be exploited. If, and only if, there’s a very big chance you won’t get caught.
- Hindi bagong bayani ang mga OFW. Because sacrifice doesn’t automatically translate to heroism.
- Hiphop music sucks big time.
- I don’t believe in equality. To hell with that. I believe more in fairness.
- Hindi nasuhulan ang mga prosecutor ng Alabang Boys. PDEA’s fault, I believe.
- Masarap ang no-strings-attached sex with a friend.
- Obama is dubious.
- The whole Korina Sanchez – Mar Roxas affair is a big duh.
- Kim Chiu is anorexic.
- Gina Pareno is the best actress in film and TV nowadays.
family matters May 11, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment
Kung ira-rank ko yung priorities ko sa buhay, inaamin kong hindi pamilya ang nasa una, hindi katulad ng mas marami sa inyo.
‘Yung iba, pwedeng mamisinterpret yung actions ko. Na walang utang na loob o kaya naman masyadong mataas ang pride kaya hindi umuuwi sa pamilya, lalong lalo na sa magulang.
Siguro isa sa mga pinaka-unpopular opinions that I hold until now, ay yung galing sa author ng Dekada ‘70 na si Lualhati Bautista:
Ang iyong anak ay hindi mo anak. Sila ay mga anak na lalaki at babae ng buhay. Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, at bagama’t pinalaki n’yo, sila’y walang pananagutan sa inyo.”
Na sa kalaunan ay nalaman kong original line pala mula naman kay Kahlil Gibran:
Your children are not your children. They are the sons and daughters of Life’s longing for itself. They came through you but not from you and though they are with you yet they belong not to you.
‘Dun sa eksenang iyon sa Dekada ‘70, tandang-tanda ko na nasaktan ang karakter na si Amanda matapos mabasa ang sulat ng anak na may lamang ganung linya. Parang hindi siya makapaniwala na masasabi iyon ng kanyang anak na siya naman niyang inaalagaan, pinaliguan, binihisan, inaruga, pinag-aral, at higit sa lahat – minahal. Masakit nga naman para sa isang mapagmahal na ina na makatanggap ng ganung comment.
Pero ganun din ang gusto kong sabihin sa sarili kong Mama. At maging sa mga kapatid at kamag-anak ko, na maaaring sa mga susunod na panahon ay magtatanong kung bakit ko iyon nasabi at naisulat dito.
Walang dapat tanawin na utang na loob ang sinumang anak sa kanyang mga magulang. Ang dapat, pay it forward to your children. Masyadong maiksi ang buhay, para bigyan natin ang sarili natin ng obligasyon na tumanaw ng utang na loob sa mga magulang. Kailan ka pa mabubuhay para sa sarili mo?
Masyado bang selfish? Hindi rin. Sino ba ang sisihin natin kung sakaling isang araw, makita natin ang sarili natin na lubog na pala sa responsibilidad at obligasyon na hindi naman natin ipinagdamot sa iba? Ibig ko sabihin, learn to love yourself first. ‘Wag na magpakahipokrito.
Ilang beses ko na bang narinig iyong mga linyang
…sana pala ginawa ko ito nung bata ako.
…sana pala ginawa ko ito nung binata pa ako.
… sana pala ginawa ko ito kahapon.
Siguro nga madali kong nasasabi iyong mga ganitong bagay dahil hindi naman talaga ako hinihingan ng responsibilidad ng Mama ko para sa mga kapatid ko at maging sa kanya. May trabaho pa kasi siya ngayon. At iyong mga kapatid ko, may sarili pa rin mga magulang.
Pero ayaw ko talagang masasabihan na ‘walang utang na loob’ dahil lamang hindi ako katulad nilang maka-pamilya.
Sabagay, wala namang nagsasabi sa akin. So what’s the fuzz all about? Wala lang. Nai-share ko lang naman.
peste May 11, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment
Sa mga cartoon character, pinaka-hindi talaga ako natutuwa kay mickey mouse. Bukod sa naa-upstage siya ni Donald Duck at Pluto, ayaw ko talaga sa mga daga. Da-ga. Dag-a. Da-ga.
‘Yung lolo ko dati naalala ko, parating may Dora Rat Killer sa mga sulok-sulok ng bahay. Nilalagay niya yung mga pink/red pellets na mga iyon para raw mapatay ‘yung mga daga.
At ang nakakainis pa, madalas malalaman mo na lang na patay na yung peste sa bahay, kapag may naaamoy nang hindi kaaya-aya sa buong paligid.

Ang tawag ng lolo at relatives ko sa mga daga, “mababait”. ‘Pag daw kasi kinukutya yung mga daga at pinapagalitan, lalo silang maninira ng galit. Anger equals vendetta. Kaya noon, kapag nasisira ‘yung mga damit namin dahil sa daga, quiet na lang kami sa bahay na parang walang nangyari. Hindi pwedeng sumigaw ng “F**k iyong favorite t-shirt ko kinain ng (bleep)!”. Basta dapat cool lang. Walang nangyari. Walang daga. Walang kasalanan ang daga. Diretso kusina na yung nasirang damit para gawing basahan.
Basta hate ko talaga mga daga. Bukod sa nakakadiri ang itsura ng balahibo nilang kulay abo, at yung mahaba nilang buntot, natatakot akong madikitan ng daga. At sa mas ‘malalimang pagtalakay’ tungkol sa pesteng daga, ang mga “rodent” na kapamilya nila ay maaaring magdulot ng mga sakit tulad ng Hantavirus Pulmonary Syndrome (HPS), Murine Typhus, Rat-Bite Fever, Salmonella enterica serovar Typhimurium, Leptospirosis, Eosinophilic Meningitis, at atake sa puso dahil sa biglaang pagsulpot ng daga sa kusina.
Ang mga nasabing sakit ay maaaring makuha sa pamamagitan ng kagat ng daga, dumi at ihi ng daga, at sobrang pagkatakot sa daga (lalo na sa huling nabanggit). In short, marumi at hindi talaga kaiga-igaya ang pagkakaroon ng daga sa bahay. Kahit pa sabihing bahagi ng isang balanced ecosystem ang mga daga, ayoko pa rin sa kanila. Hindi rin naman ako carnivore na direktang kakain ng daga, para lang mafulfill ang wish ng mga Science teacher na maging tama ang drowing ng food chain sa mga textbook.
Pero ang kwento talaga, ‘yung daga na nakita ko sa kwarto ko kanina lang. Nung isang gabi, nakita ko na siya. Bubwit. Maliit na daga. Kagaya nung nasa picture sa itaas. Pero hindi siya ‘yung nakita kong bubwit. Mas maliit pa dun at mas maiitm ang balahibo.
Nung nakita ko siya kanina, parang nag-”Hi” pa siya. Nakatayo siya, na parang nakataas din yung dalawang kamay. Pero narealize ko, kung nakataas yung dalawang kamay, e ‘di ibig sabihin nun, “I surrender” ang sinasabi niya sa akin. Tapos tumakbo siya ng mabilis papunta dun sa likod ng wooden box na pinaglalagyan ng tv. Ako naman, kinuha ko yung walis tambo at binuksan yung pintuan ng kwarto ko,para palabasin ang tatawagin nating si “Mouse”.
So ayun, tumakbo siya palayo pero nagtago naman dun sa likod ng fridge. Aba, dalawa pala sila! Nakita ko yung isa pang daga na nauna na palang nagtago dun sa likod, nung nagsimula ko na silang hunting-in.
So mas mahirap na ang labanan between us. Nasa likod na sila ng fridge at ako naman nagtanggal na ng shirt kasi pinagpapawisan na ako dahil sa sobrang effort na inexert ko para palabasin sila sa kwarto. So ayun nga, pilit ko silang pinalabas dun sa likod ng fridge. Naimagine ko tuloy na parang isang pelikula ang eksena namin. Ako yung kontrabidang nagpapalayas ng mga tenant na hindi pa nakakabayad ng upa. Parang ganun yung drama.
Pero naman. Ayoko ng daga sa kwarto. Kailangan nilang umalis dahil baka hindi ako makatulog. Remember na maraming sakit na pwedeng makuha sa mga daga (Refer to the list of possible diseases na naresearch ko sa itaas).
Kaya kahit parang patintero ang nangyari sa aming tao at mga daga, in the end, napalabas ko sila. Hindi ko naman sila nasaktan, pero talagang pinilit ko silang lumabas ng kwarto. Whew.
Sa susunod na makakita ako ng daga sa kwarto, isa na lang ang ibig sabihin. Madumi na. At kailangan na talaga ng general cleaning na bonggang-bongga.
mother’s scandal May 9, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment
Paano ‘pag medyo stressed si Inay?
not a mama’s boy May 9, 2009
Posted by conflictblog in Uncategorized.add a comment
Happy Mother’s Day po, ma. At belated happy birthday.

Yung pangalan kong Jayson Bernard, galing pareho sa mga magulang ko. ‘Yung Jayson, galing kay Papa, Jose kasi yung pangalan niya, Jun naman yung nickname. Yun namang Bernard, kay Mama, na Bernardita naman ang real name. Pareho kong hindi nakasama nung bata ako ang pareho kong magulang. Laking lolo at lola ako. Hanggang high school, si Lolo Poncing ang kasama ko sa bahay.
Yung Papa ko, hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon. Kahit sa pictures hindi ko pa nakikita kung ano ang itsura niya. Pero si Mama, nakasama ko nung namatay na si Lolo Poncing, college na ako nun.
Dahil hindi ko nakasama ng matagal si Mama, hindi kami magkasundo nung una pa lang. Pakiramdam ko nun, ayaw niya sa akin, at napilitan lang siya na kunin ulit ako, dahil nga wala na si Lolo. Ako naman, sa totoo lang, nung time na yun, ayoko rin sa kanya. The feeling was mutual, ‘ika nga.
Marami kaming hindi pagkakaunawaan ni Mama. May mga pagkakataon pa ngang umabot sa pisikalan ang away namin. Hanggang sa nag-college na ako, at nagpasya na akong mabuhay ng hindi siya kasama.
Kung tutuusin, naging mas mahirap ang buhay namin pareho ng mama ko, nung pareho na kaming naghiwalay. Parang mag-asawang kinalimutan na ang pagiging magkasama sa iisang bahay, pero ang isa sa amin, hindi pala talaga matitiis na wala sa tabi niya.
Si Mama yun. Namiss pala ako ni mama mula nung umalis ako sa bahay, at nagpasya na solong harapin ang buhay. Maraming nangyari nun. Bumalik sa bisyo si Mama, nawala lahat ng naipon niyang pera, kotse, mga luho. Pati yung itsura niyang mahilig pumorma, nawala na.
Binigyan naming magkakapatid ng chance si Mama na magbagong-buhay. Nagtrabaho siya ulit at pinakita kung gaano niya kami kamahal na magkakapatid.
Paminsan-minsan may mga pagkakataong tinotopak pa rin siya, kaya nagtatalo kami. Naulit pa yung mga pag-aaway, sumbatan at ’saulian ng kandila na parang magkaibigan.
Pero bumabalik si Mama. Kahit lumalayo na ako. Ganun nga yata talaga. Wala namang makakapagsabi kung sino talaga ang mali at tama. Pero ang sigurado ako, yung Mama ko…Mama ko talaga at wala akong magagawa. Pwedeng mapagbago ko siya, pero hindi ko maiaalis na siya ang Mama ko. At hindi ko siya pwedeng alisin sa buhay ko.
Gusto ko lang sabihin na nagpapasalamat ako, dahil kahit hindi ako nakitang lumaki at nasubaybayan ng Mama ko, at least, nakabawi naman siya. At sana, magtagal pa siya sa mundo. May mga natitira pa rin akong pangarap para sa kanya. At dahil alam kong marami pa siyang pangarap para sa amin.
At iyon yung bumalik kaming magkakapatid sa bahay, kasama siya.
(Disclaimer: hindi ako yung batang may mga pera sa leeg na bitbit ni Mama. Pamangkin at inaanak ko yan, na si Julia.)


